Home » Archives » 15. May 2007
on elections…
May 15, 2007im glad with the outcome of the election. i went home a lil late today coz me and cindy had some snacks. while i was walking on my way home, i overheard some men saying that dodot is winning over eusebio. i smiled to myself and prayed that hopefully there will be no cheating in the elections this time around.
when i arrived, i was hoping id see a familiar face but then she was not home. i felt a bit of sadness crawl over me. so i turned the tv on to watch more about the election. there was nothing on tv about the election. i was thinking of turning it off but i got hooked with "Game Ka Na Ba?".
i then called her up to check if she had lunch already. she picked up the phone but put me on hold coz she still have patients around. i waited. she came back just to tell me that she will just call me back. i watched while waiting for her to call back. i was too lazy to stand up and clean up.
i almost fell asleep while waiting for her. i was so full and my body is telling me to go to sleep. but nonetheless i still waited for her call.
she called me after 5 minutes, but it seemed like i was already waiting for an hour.
we exchanged a few stories and while we were talking she told me to change channel and watch the news about lim going to atienza's camp coz he was suspecting some cheating on atienza's part.
i was surprised with what i saw. but im really glad that people are now gurading their votes and that they are more concerned with the outcome of the election.
Kung Bakit Bad Trip Ang Pagtatapos
KUNG BAKIT BAD TRIP ANG PAGTATAPOS
Kgg. BEN CABRERA
21 Abril 2007,U.P. Diliman
Anong ginagawa ng estudyante sa eskwelahan?
Pupunta ng klase. Tapos?
Pupunta sa susunod na klase. Tapos?
Magtatanghalian. Tapos?
Pupunta ulit sa isa pang klase. Tapos?
Pupunta sa huling klase. Tapos?
Tapos, araw ng pagtatapos.Graduation. Araw ng pagtatapos.
Sino ba ang nagtatapos? Kayo.
Ano ba ang natatapos? Kayo rin.
Tapos ang maliligayang araw n’yo.
Dapat araw ng pagsasaya ang araw na ito, at sigurado akong kahit anong mangyari, kahit ano pa ang sabihin ko ngayon, walang magpapalungkot sa inyo.
Kaya naman naghanda ako ng listahan: ang sampung dahilan kung bakit bad trip magtapos.
Pagkatapos kong magsalita, tingnan lang natin kung di kayo mag-unahang mag-enrol ulit.
Unang dahilan, pag tapos ka na, wala nang baon.
Pakapalan na ng mukha kung manghihingi ka pa ng pera sa mga magulang mo.
Dati-rati, nakakakupit ka pa, ’yung sobra sa hiningi mong tuition fee, halimbawa.
Pag tapos ka na, ikaw na ang magbabayad para sa koryente, sa tubig, sa renta.
Kung may mas bata kang kapatid, ikaw naman ang magbabayad ng tuition fee n’ya.
Pag nagkataon, ikaw na ang hihingan ng baon ngayon.
Ikalawang dahilan, pag tapos ka na, wala nang kaibigan.
O, sobra naman yata ’yon.
Pero aminin na natin, kokonti ang panahong makakapagsama kayo ng barkada mo.
Alangan namang sa iisang kompanya kayo lahat pumasok?
Liliit na rin ang oportunidad na makakilala ka ng bagong kaibigan.
Sa kolehiyo, bawat sem may bago kang nakikilala kasi may bago kang kaklase.
Mas mabagal ang prosesong ito sa permanenteng trabaho.
Isipin n’yo na lang, pag estudyante pinakanakakaasar ‘yung walang kuwentang group mate.
Ang trabaho, para s’yang isang napakahabang group work.
Ikatlong dahilan kung bakit bad trip magtapos, wala nang panahong magbasa.
Kayong mga taga-College of Arts and Letters, may bentahe kayo.
Masarap mag-aral ng arte at letra.
Isipin n’yo na lang ‘yung mga taga-Eng’g, sa tingin n’yo ba nag-eenjoy sila sa pag-aaral?
May kakaibang sarap sa pagbasa ng tula, sa panunuri ng mga larawan, sa pagkatuto ng kung ano ang
“Good Morning” sa Aleman, sa pagtatanghal sa teatro, sa pagtatalumpati.
Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, pagod na lagi ang utak mo sa pag-uwi.
Telebisyon na lang ang pahinga.
Ikaapat na dahilan, wala nang bakasyon pag tag-init.
At mas maikling bakasyon sa Pasko.
Kawawa naman kayo.
Ikalimang dahilan, wala nang libreng gimik.
Dito sa U.P.,maglakad-lakad ka lang may makikita ka nang kasiyahan.
Pag fair, halimbawa, p’wede kang umupo lang sa benches ng Sunken Garden.
Rinig mo na ang musika.
E pag tapos ka na, saan ka pupunta? Alangan namang mag-camp out ka sa labas ng Araneta Center?
Ikaanim na dahilan, hindi na p’wedeng umabsent ng anim na beses.
Wala nang academic freedom kasi wala ka na sa akademya.
Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, umabsent ka ng higit sa tatlong beses,
tingnan langnatin kung saan ka pupulutin.
Konektado ito sa ikapitong dahilan, pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng mag-drop.
Pag mag-aaral ka pa, at power-tripper ‘yung guro, p’wede kang mag-drop at tapos ang problema.
Pag masyadong mabigat ang academic load,p’wede kang mag-drop.
Kunin mo na lang sa susunod na semestre ‘yung sabjek.
Hindi ‘yan p’wede sa tunay na mundo.
Hindi ka p’wedeng mag-drop ng trabaho.
Pagkatapos, aaplayan mo na lang paglipas ng ilang buwan.
Ikawalong dahilan kung bakit bad trip magtapos.
Pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng magtext sa klase.
Pag nababato ka sa trabaho, walang ibang p’wedeng gawin kundi tumuloy sa pagkabato,sa pagtatrabaho.
Sa klase magtetext ka para magset ng oras kung kailan kayo magkikita ng mga kaibigan mo.
E pag tapos ka na, di ba nga wala nang kaibigan.
Ikasiyam na dahilan, hindi na p’wedeng mangopya.
Hindi na p’wedeng ipaxerox ang notebook ng katabi mo.
Hindi na p’wedeng sumulyap-sulyap sa papel ng kaibigan mo pag exam.
Kasi, wala nang exam. O, araw-araw exam. Pag tapos ka na, tapos ka na.
Ito ang ikasampung dahilan kung bakit bad trip magtapos: hindi na p’wedeng bumalik.
Hindi ka na p’wedeng bumalik. Tapos na ang mga araw ng baon, kaibigan, pagbabasa, bakasyon, libreng gimik, pag-aabsent, pagda-drop, pagtetext, pangongopya. Tapos ka na e. Tapos na.
Oras na para magsimula.


